|
3rd National Disability Prevention and Rehabilitation Week |
|
|
|
|
Wednesday, 20 July 2011 09:15 |
|
Isang maganda, masiglang umaga para sa ating lahat!
Itong araw na ito ay makasaysayan, sapagkat tayo ay nagkasama-sama. Marami ang bilang natin na nandito sa kapaligiran sapagkat nais nating gunitain, ipakilala sa madla na ang bawat tao ay may karapatan. Ang taong may kapansanan ay may ibang kakayahan kaya’t kailangang gawing totoo na maisabuhay ang kanilang mga karapatan.
Gaya nga ng ating tema, ipatupad na ang mga karapatan ng may kapansanan ngayon. Now na! Dahil matagal na at marami na tayong batas na ipinagawa. Kailangang pagtulungan na ito ay matupad. Gaya ng binanggit, tayo sa National Council on Disability Affairs ay naniniwala na ang pinaka-nakakaalam, ang pinaka may magagawa, ang pinaka may kaya para gawing totoo ang karapatan ng may kapansanan ay nasa pangunguna na rin ng mga may kapansanan. Kami ay sumusuporta kaya ang pinagkayarian natin noong unang konsultasyon ating ginagawa ng totoo.
Mas iisa ang ating ginagawang pagdiriwang, hindi na hiwa-hiwalay na akala natin iyon ang mangyayari.
Pangalawa, ating gagawin ang proseso na ang National Council on Disability Affairs ay magkakaroon ng co-chair galing sa may kapansanan at ang ating lahat ng komite ay may co-chair din na galing sa sector ninyo. Sapagkat naniniwala ang pamahalaang ito, ng Aquino administration, na kinakailangang kasama, nakiki-sangkot sa pamamahala ang lahat ng sector lalong-lalo na ang may kinalaman sa mga problemang dini-desisyunan. Ang National Council on Disability Affairs ang magsisigurado na ang karapatan ng bawat may kapansanan ay kikilalanin, gagalangin at makukuha ang dapat makuha mula sa batas.
Pagtulungan po natin iyan at ating ipaalala sa ating mga kababayan na ang may kapansanan ay may kakaibang kakayahan. Ang kaya nila, kaya natin pero may kaya kayo na hindi namin kaya. Kaya’t atin pong pagtulungan iyan. Mabuhay po kayong lahat na nandito. Isang linggo nating ipagdiriwang ang karapatan ng may kapansanan.
Magandang umaga po sa ating lahat!
Speech delivered by Secretary Corazon Juliano-Soliman during 3rd National Disability Prevention and Rehabilitation Week held at the Quezon City Memorial Circle on June 17, 2011.
|