Home Speeches of the Secretary 3rd Regional Director's Consultation Workshop Tagaytay, City
3rd Regional Director's Consultation Workshop Tagaytay, City PDF Print E-mail
Monday, 14 November 2011 10:41


Maayong hapon, salamalaykum, magandang hapon sa ating lahat!

 Una nais kong batiin ang ating mga kasamahan at magpasalamat na tayo ay narito.  Nagpapatunay lamang na ang lingkod bayan ay 24/7.  Kahit na sabihin na ilan sa mga ahensya ay tunay na 24/7, palagay ko ang lahat ng ahensya na nandito ngayon actually 24/7 tayong lahat, sa health, sa education at DILG at ang DSWD.  So palakpakan ninyo ang mga sarili ninyo.  Sa halip na kasama natin ang ating mga pamilya, tayo ay naririto at bumiyahe.  Bumiyahe tayo kung hindi kahapon, kaninang maagang-maaga bumiyahe na kayo papunta rito.  Nais ko lang dagdagan ang pananalumpati at hindi ko na hahabaan, Palagay ko tatlo lang ang mahahalagang aspeto ng ating pagtitipon ngayon.

Una, yung pagrepaso o review nung ating mga pinagkasunduan. Ano ang naisagawa natin? Ano ang mga hindi nagawa at bakit? Ano ang mga naging hamon o balakid?  What will be the obstacle in implementing the agreement? What can we do about it? So that’s one.

Pangalawa, we have invited DILG.  This is the first time na kasama ang DILG because previously, sa Regional Director’s meeting, DOH, DEPED & DSWD, ang nagsama.  Atin pong talagang sinikap na maimbita, at nag-usap po kami ni Secretary Robredo ng DILG, sapagkat ang isang mahalagang component ng Convergence ay hindi lang sa Pantawid. Meron din sa community health team at mamaya para pag-usapan yung usapin ng hunger mitigation. 

Mahalaga po ang DILG, sapagkat ang DILG po ang tuwirang merong pwedeng gawin para ho ang mga mahuhusay na local chief executives ay mabigyan ng dagdag na incentive at yung mga hindi gaanong tumutupad na local chief executives sa kanilang mga dapat gawin ang DILG din ang magtatakda ng pwede nilang gawing hakbang.  Ibig sabihin kaming mga support services agencies, DOH, DEPED, DSWD & NNC, kung ang local chief executive ay di naming makita o ang local chief executive ay hindi namin makausap o kung kinakausap ay pinagagalitan naman ang aming mga tao kasi ang gusto nila yung kanila ang masunod, walang ibang makapagpapaliwanag doon kung hindi ang DILG. 

Lahat kami ay nakakaranas ng positibong kooperasyon mula sa mga local chief executives at meron din kaming naranasan na hindi magandang pakikipag-ugnayan sa kanila. Meron din local chief executives na hindi tama ang gawain, na binabaluktot yung mga programa namin. Doon namin kailangan ang tulong ng DILG.  So, yun ho yung napakahalaga kung bakit nakita namin lalo na sa ating gustong gawin na panatilihin ang mga bata sa eskwelahan at panatilihin silang malusog, kailangan ang kooperasyon at pakikiisa ng local chief executives. 

Ang DILG ang nakikita nating mahalagang elemento dito sa pakikipag-ugnayan para madala na natin kung hindi man 100% ay 95%? Masyado po bang ambisyoso yon? Ang mga local chief executives ang gagawa sa ating mga programa at positibong magcocontinue.  Yun ho yung dahilan kung bakit nandito ang DILG at inaasahan naming magcatch-up ang DILG Regional Directors sa aming mga napag-uusapan. 
Bagamat, alam ko na ang DILG sa field ay kasama na ng aming mga regional directors ng DEPED, DOH and DSWD.  Huwag magagalit yung iba dahil yun lang ang natatandaan ko. Sa Region XI nagkakaroon kayo ng malakihang pagkilos para iikot ang ibat-ibang programa ninyo and DILG was very active in that and so are the rest of the regions.

The other important component na aming inanyayahan is the National Nutrition Council sapagkat para panatilihin ang mga bata sa eskwelahan, isang mahalagang component yong pagsisiguro na nakakonek tayo sa gawain ng National Nutrition Council para tuloy-tuloy ang kalusugan at pananatili sa eskwelahan ang mga bata. Sila ang nakakaunawa kung ano ang mga ituturo sa mga teachers dahil alam naman ho natin na kapag gutom yung mga bata baka hindi 50% naiiwan sa kanila so kailangan natin ayusin din yun.

Particularly, there are two efforts that serve the interest of keeping the children in school & keeping them healthy.  Yung community health team na ipinaliwanag na kanina, na sa tingin ko ay dapat nating pagtulungan lahat yan sapagkat mahalaga na malaman natin ang kondisyon ng kalusugan ng bawat pamilya nang sa ganon tama at angkop ang ating itinutulong sa kanila.

Yung pangalawa, yung hunger mitigation. Meron talagang nakikita na nagmomonitor na Office of congressman inside their area lalong lalo na yung mga tinamaan ng disaster.  So kailangan nating pagtulungan din para ang mga bata at matanda na nakakaranas ng gutom ay mapagtulungan natin. 

Itong Pantawid Pamilya, marami na siyang component at nais ko lang bigyang diin na hindi ito DSWD program lang.  Ito ay pambansang pamahalaan na programa sapagkat nakita naman ninyo na nakumbinsi si Pangulong Noynoy Aquino na mahalagang panatilihin ang mga bata sa eskwelahan at panatilihing malusog.  So hindi ho DSWD lang yon, nagkataon kami yung nagbibigay ng cash incentive pero ang panatilihin malusog ay sa DOH at ang panatilihin sa eskwelahan is DEPED.  Paano natin sisiguraduhin na magagawa natin yan?  Ang local chief executives kailangan kasama nating gumagawa nyan kasi sila yung, halimbawa alam naman nila devolved ang DOH.  So, kung hindi po kami makikipag-ugnayan sa kanila, hindi talaga masasaturate ang lahat ng lugar kaya’t inaasahan po namin na itong ating pagtitipon na ito ay magdadala ng ating sinasabing tatlong “C’s” COMMUNICATE, COORDINATE, COLLABORATE.  Sa Boracay palang po ay sinasabi na namin yan ni Bro Armin.  Dahil ang nakasanayang mukha nyan ay vertical. Ngayon, ang talagang mandato ni Pangulong Aquino ay horizontal. Magtrabaho, magclustering, magcollaborate pero inaasahan natin na mapapangkat iyan sa pagtitipon  nating lahat.

Panghuli, mahalaga po talaga na makuha din namin at ito yung yugto bukas, ang inyong mungkahi kung paano pa pauunlarin at mawawasto ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.  Kasi, tatlong taon na moving on, so nirereview namin ngayon ang policy at operational guidelines at isa yun sa mga nais nating hilingin ang inyong input kung paano yan mapapalakas. Dagdag doon sa mga pinag-usapan natin na mga kasunduan na nanggaling pa sa Boracay.  Ngayon ay ating rerepasuhin sa ating opisina.

Isa pa ang aking idadagdag, ang pasasalamat ko sapagkat makikita ko na iyong ginagawa natin ay indikasyon o nagpapatotoo na ang lingkod bayan ay handang maglingkod 24/7.  Magandang hapon po sa inyong lahat!


Speech delivered by Secretary Corazon Juliano-Soliman during 3rd Regional Director's Consultation Workshop Tagaytay, City November 7, 2011

 
© 1998-2012, Department of Social Welfare and Development
Constitution Hills, Batasan Pambansa Complex, Quezon City, Philippines
Tel. (632)931-81-01 to 07 | Moblie