More than 12,000 college students, incoming Grade 2 pupils who are struggling or non-reader, together with their parents and guardians from the province of Bulacan have benefitted from the Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Tara, Basa! Tutoring Program.

“Nakikinig kami ni City Government of San Jose del Monte Mayor Arthur Robes sa tutor, youth development worker (YDW), at magulang na beneficiary na nagbigay ng testimonial. Natutuwa kami na yung mga hangarin namin sa proramamg ito ay nakakamit natin,” DSWD Secretary Rex Gatchalian said during the culminating activity on Friday (September 27) at the City of San Jose Del Monte Convention Center in Bulacan.

Secretary Gatchalian explained that the tutoring program aims to increase the involvement in nation-building of poor college students and those enrolled in state or local universities and colleges (SUCs), and local government-run universities while helping them in completing their tertiary education.

“Kanina noong pinapakinggan ko yung YDW at tutor, parang ang dating sa akin ay parang hindi na masyadong importante yung cash-for-work (CFW). Parang ang mas naging importante ay yung natutunan nila in the process, yung experience of nation-building, at yung pagtulong sa kapwa,” the DSWD chief happily pointed out.

Through the Tara, Basa! Tutoring Program, college students were deployed as tutors to conduct reading sessions to struggling or non-reader elementary students, and as YDWs to facilitate the Nanay-Tatay teacher sessions.

In exchange for rendering 20 tutoring and learning sessions, these tutors and YDWs receive cash-for-work (CFW) based on the prevailing regional daily minimum wage.

“Kaya nga nabuo itong Tara, Basa! kung saan mayroon kayong CFW for 20 days. Pero two hours lang ang tutoring hours pero babayaran ka for one whole day. Pero ikaw naman, you give it back, tuturuan mo naman yung mga grade two na hindi marunong magbasa,” Secretary Gatchalian said.

Secretary Gatchalian also took the opportunity to thank the partners who helped the DSWD in the implementation of the tutoring program in Bulacan.

“Nagpapasalamat kami sa lahat ng naging partner namin sa programa na ito. First, sa lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte, buong Department of Education (DepEd) family, at ang local university ng San Jose Del Monte dahil nakita namin na naging makabuluhan ang programa,” the DSWD chief said.

April Sharmaine Martinez, a YDW from the City College of San Jose Del Monte, described the program as a big opportunity for college students like her.

In her testimonial, April Sharmaine said it is not the CFW that pushed her to join the program but her passion for social work.

“Ako po, personally, hindi po yung cash incentive ang naging main motivation ko to join this program. Although malaking tulong po talaga yon para sa pag-aaral namin at sa pangangailangan namin, pero ang nag-push po talaga sa akin ay yung passion ko for social work,” April Sharmaine narrated.

Eliza Gaye Ruivivar, a tutor from the City College of San Jose del Monte, also shared in her testimony that she felt a sense of fulfillment every time her students thanked her.

“Hindi po matutumbasan ng pera yung mga maririnig na isa ka sa dahilan kung bakit natuto sila… Ang sarap po sa pakiramdam pag nakikita mo yung nga students mo na nag-uusap sila at sasabihin nila na ang galing na nilang bumasa dahil sayo,” Eliza Gaye said.

A mother of an elementary learner, Mary Grace Caseñas, said she and her child both benefited from the program.

“Malaking bagay po ang naitulong ng Tara, Basa! sa aking anak na bago sumabak sa ikalawang baitang ay mas napalawak ang kaalaman sa pagbabasa at mas naging productive sya sa paaralan. Ako naman, as parent, ang 20 days po na pakikinig sa kapwa ko magulang ay isang eye opener sa bawat sitwasyon at kung ano ang iba’t ibang paraan para ito ay masolusyonan,” Mary Grace said.

Earlier this year, the DSWD signed a Memorandum of Agreement (MOA) with the Provincial Government of Bulacan and selected SUCs in the province for the scaled up pilot implementation of the agency’s Tara, Basa! Tutoring Program.

Aside from Bulacan, this year’s implementation of the tutoring program covers General Santos City, Samar province, Cebu City, Marawi City, Taraka in Lanao Del Sur, Quezon province, and the National Capital Region (NCR).

The Tara, Basa! Tutoring Program is the DSWD’s reformatted educational assistance that creates an ecosystem of learning wherein college students will be capacitated and deployed as tutors to teach poor and non or struggling readers in public elementary schools and as YDWs to conduct Nanay-Tatay learning sessions. #

Tagalog Version

Mahigit 12K Bulakeños, nakinabang sa Tara, Basa! Tutoring Program ng DSWD

Inihayag ng Department of Social Workers and Development (DSWD) na mahigit sa 12,000 college students, grade 2 pupils at magulang nito mula sa Bulacan ang nakinabang sa Tara, Basa! Tutoring Program.

“Nakikinig kami ni City Government of San Jose del Monte Mayor Arthur Robes sa tutor, youth development worker (YDW), at magulang na beneficiary na nagbigay ng testimonial. Natutuwa kami na yung mga hangarin namin sa proramamg ito ay nakakamit natin,” sabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian.

Sa ginanap na culminating activity nitong Biyernes (September 27) sa San Jose Del Monte Convention Center, sinabi ni Secretary Gatchalian, ang programa ay naglalayong madagdagan ang involvement sa nation building ng mga maga-aral sa kolehiyo partikular na ang mga nasa state at local universities at colleges.

“Kanina noong pinapakinggan ko yung YDW at tutor, parang ang dating sa akin ay parang hindi na masyadong importante yung cash-for-work (CFW). Parang ang mas naging importante ay yung natutunan nila in the process, yung experience of nation-building, at yung pagtulong sa kapwa,” paliwanag pa ng DSWD chief.

Sa pamamagitan ng Tara, Basa! Tutoring Program, ang mga college students ay ina-assign bilang tutors upang magsagawa ng reading sessions sa mga batang hindi marunong at hindi gaanong makabasa habang ang mga YDWs naman ay naka-assign para sa Nanay-Tatay teacher sessions.

Kapalit naman ng 20 tutoring and learning sessions, ang mga ito ay makatatanggap ng cash-for-work (CFW) base na rin sa regional daily minimum wage.

“Kaya nga nabuo itong Tara, Basa! kung saan mayroon kayong CFW for 20 days. Pero two hours lang ang tutoring hours pero babayaran ka for one whole day. Pero ikaw naman, you give it back, tuturuan mo naman yung mga grade two na hindi marunong magbasa,” sabi pa ni Secretary Gatchalian.

Dagdag pa ng Kalihim, “Nagpapasalamat kami sa lahat ng naging partner namin sa programa na ito. First, sa lokal na pamahalaan ng San Jose Del Monte, buong Department of Education (DepEd) family, at ang local university ng San Jose Del Monte dahil nakita namin na naging makabuluhan ang programa.”

Sa kanyang testimonya, sinabi ni April Sharmaine Martinez, isang YDW mula sa City College of San Jose Del Monte, sinabi nitong malaking tulong para sa isang estudyante na tulad nya ang programa kung saan sinabi nya na ang passion para sa social work ang nagtulak sa kanya upang sumali sa nasabing programa.

“Ako po, personally, hindi po yung cash incentive ang naging main motivation ko to join this program. Although malaking tulong po talaga yon para sa pag-aaral namin at sa pangangailangan namin, pero ang nag-push po talaga sa akin ay yung passion ko for social work,” sabi ni April Sharmaine.

Nagbigay din ng testimonya Si Eliza Gaye Ruivivar, tutor mula sa City College of San Jose del Monte, sinabi nitong isang malaking fulfillment ang kanyang nararamdaman sa tuwing magpapasalamat sa kanya ang mga batang kanyang tinuturuan.

“Hindi po matutumbasan ng pera yung mga maririnig na isa ka sa dahilan kung bakit natuto sila… Ang sarap po sa pakiramdam pag nakikita mo yung nga students mo na nag-uusap sila at sasabihin nila na ang galing na nilang bumasa dahil sayo,” sabi ni Eliza Gaye.

Nagpasalamat din sa programa ang nanay na si Mary Grace Caseñas, kung saan sinabi nitong “malaking bagay po ang naitulong ng Tara, Basa! sa aking anak na bago sumabak sa ikalawang baitang ay mas napalawak ang kaalaman sa pagbabasa at mas naging productive sya sa paaralan. Ako naman, as parent, ang 20 days po na pakikinig sa kapwa ko magulang ay isang eye opener sa bawat sitwasyon at kung ano ang iba’t ibang paraan para ito ay masolusyonan,”sabi ni Mary Grace.

Matatandaan, lumagda sa isang Memorandum of Agreement (MOA) ang DSWD at Provincial Government of Bulacan at iba pang piling SUCs ng lalawigan upang doon ipatupad ang pilot implementation ng Tara, Basa! Tutoring Program ng ahensya.

Bukod naman sa Bulacan,ipinatupad din sa General Santos City, Samar province, Cebu City, Marawi City, Taraka, Lanao Del Sur, Quezon province, at National Capital Region (NCR) ang nasabing programa.

Ang Tara, Basa! Tutoring Program ay isang reformatted educational assistance ng DSWD na tumutulong sa mga batang maga-aral na matutong bumasa sa tulong ng mga college students na nagsisilbing tutors at YDWs. #