Welcome to DSWD   Click to listen highlighted text! Welcome to DSWD
DSWD to kick-off cooking challenge for beneficiaries of Walang Gutom Program
February 26, 2025
DSWD chief assures online application for travel clearance for minors equipped with safeguards
February 26, 2025

Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps set to roll out in other provinces

February 26, 2025

The Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) will roll out its ‘Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps’ job fair in the other provinces in the coming months.

This was confirmed by 4Ps Social Marketing Division Chief Marie Grace Ponce on Wednesday (February 26) in an episode of the 4Ps Fastbreak, an online talk show aired over the DSWD’s Facebook page.

“Asahan po ng mga kababayan natin na iro-roll out natin sa iba’t ibang lugar pa. Alam ko naka-schedule na din tayo na pupunta sa mga lugar ng Pampanga, Bulacan, at Abra. Inaayos pa po yung schedule sa ibang lugar kasi gusto natin marating natin kung nasaan yung mga beneficiaries ng 4Ps,” Division Chief Ponce said.

The 4Ps-SMD division chief said the job caravan aims to help graduating households that are set to exit from the program due to natural attrition.

“Kung matatandaan natin, noong 2019, isinabatas ang Republic Act No. 11310 o yung 4Ps Act. Maliwanag po na nasa batas na ang mga beneficiaries ng 4Ps ay hanggang 7 years lang. So, ito na yung unang pitong taon matapos na mapirmahan yung batas at inaasahan natin na mayroong mahigit na 2 milyon na mag-eexit doon sa program natin,” Division Chief Ponce explained.

The Trabaho sa Bagong Pilipinas job fair is organized by the DSWD, in partnership with the Department of Labor and Employment (DOLE) and other key agencies, to assist 4Ps beneficiaries to acquire employment opportunities and other services necessary for pre-employment processing.

“Itong Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps, it’s a whole of government approach. So lahat ng ahensya ng pamahalaan ay nagtutulong-tulong para maisakatuparan ang Trabaho Para sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps,” the 4Ps division chief emphasized.

Through the Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps, the DSWD is expecting that more exiting 4Ps households will gain employment that will help them to become self-sufficient.

On January 31, almost 12,000 4Ps beneficiaries joined the Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps during its launch at the Rizal Memorial Stadium in Pasay City.

Earlier this month, the 4Ps job caravan was also rolled out in the cities of Iloilo, Tagum, and Dumaguete, and attended by around 3,000 participants per location.

The ‘4Ps Fastbreak’ is hosted by Information Officer Venus Balito of the Strategic Communication Group’s Digital Media Service (DMS) and is aired every Wednesday, 11 am, using the DSWD’s Facebook platform. (AKDL)

Tagalog Verson

Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps, palalawakin pa ng DSWD sa mga probinsiya

Sisimulan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) ang ‘Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps’ job fair sa iba’t-ibang lalawigan sa bansa.

Ito ang inihayag ni 4Ps Social Marketing Division Chief Marie Grace Ponce ngayong Miyerkules (February 26) sa episode ng 4Ps Fastbreak, isang online talk show na mapapanood sa DSWD Facebook page.

“Asahan po ng mga kababayan natin na iro-roll out natin sa iba’t ibang lugar pa. Alam ko naka-schedule na din tayo na pupunta sa mga lugar ng Pampanga, Bulacan, at Abra. Inaayos pa po yung schedule sa ibang lugar kasi gusto natin marating natin kung nasaan yung mga beneficiaries ng 4Ps,” sabi ni Division Chief Ponce.

Sabi pa niya, ang job caravan ay naglalayong tulungan ang mga graduating households na pa-exit na sa programa na makahanap ng trabaho.

“Kung matatandaan natin, noong 2019, isinabatas ang Republic Act No. 11310 o yung 4Ps Act. Maliwanag po na nasa batas na ang mga beneficiaries ng 4Ps ay hanggang 7 years lang. So, ito na yung unang pitong taon matapos na mapirmahan yung batas at inaasahan natin na mayroong mahigit na 2 milyon na mag-eexit doon sa program natin,”dagdag pa ni Division Chief Ponce.

Ang Trabaho sa Bagong Pilipinas job fair ay inorganisa ng DSWD sa pakikipagtulungan na rin ng Department of Labor and Employment (DOLE) at iba pang mga ahensya ng gobyerno, upang magbigay ng tulong sa mga 4Ps beneficiaries na mabigyan ng opostunidad na makapagtrabaho..

“Itong Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps, it’s a whole of government approach. So lahat ng ahensya ng pamahalaan ay nagtutulong-tulong para maisakatuparan ang Trabaho Para sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps,” paliwanag pa ng 4Ps division chief.

Sa pamamagitan naman ng Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps, umaasa ang ahensya na ang mga graduating 4Ps households ay mabibigyan ng trabaho upang hindi na muling bumalik pa sa kahirapan.

Nauna rito, halos 12,000 4Ps beneficiaries ang lumahok sa ginanap na Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps sa Rizal Memorial Stadium in Pasay City nitong January 31.

Naglunsad din ng 4Ps job caravan sa mga lugar sa Iloilo, Tagum, at Dumaguete na dinaluhan ng halos 3,000 participants kada lugar.#

Related News:

Skip to content
Click to listen highlighted text!