Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian has acknowledged anew the role that social workers play in ensuring that the agency’s
various forms of cash assistance go to the rightful beneficiaries.
“Ako meron ako isang character na paulit-ulit kong ginagamit—social worker. Kung makikita niyo ‘yung proseso namin, lahat—whether doon sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Sustainable Livelihood Program (SLP), whether pagdating ng crisis yung emergency cash transfer, pagbigay ng relief goods, lahat yan kinakausap ng social worker,” Secretary Gatchalian said during an interview with TeleRadyo Serbisyo on Wednesday (February 26).
Secretary Gatchalian underscored the fact that DSWD social workers carefully assess all potential program beneficiaries and determine the types of assistance that best correspond to their needs.
The DSWD chief pointed out that social workers have always practiced prudence in screening beneficiaries through intake forms, interviews, and comprehensive vetting of documents.
“So yung mga social worker natin mabusisi man, matrabaho man, gagawin at gagawin nila yung pag-interview. Makikita niyo yan, pag ini-interview yung lumalapit, may caseworker’s intake form. Parang doktor sila, uusisain ka sa buhay mo, halimbawa sabi mo meron kang sakit, tatanungin ka, may sakit, bukod doon meron ka bang kinikita, yung asawa mo ba
anong ginagawa. Nabubuo nila yung istorya ng pangangailangan base sa kanilang interview process,” Secretary Gatchalian explained in the radio interview.
When asked about the safety nets that ensures the Ayuda Sa Kapos ang Kita
Program (AKAP) will not be used for political ends during the campaign period for the May midterm elections, Secretary Gatchalian reiterated that the DSWD is the sole implementer of AKAP.
The DSWD chief said social workers assess all potential beneficiaries, and referrals—whether from organizations, politicians, or any other institutions—will not guarantee that the names included will receive financial assistance.
“Pero, hindi porke ni-refer sa amin, o-oo kami kaagad. Susuriin muna ‘yan ng ating social worker kung una, qualified ba base sa guidelines? Pangalawa, social worker ang nagdidikta base rin sa guidelines kung magkano ang ibibigay,” the DSWD chief explained.
Secretary Gatchalian said the DSWD, the National Economic Development Authority (NEDA), and the Department of Labor and Employment (DOLE) have incorporated stricter rules in the revised AKAP guidelines, as conveyed in the veto message of President Ferdinan R. Marcos Jr when he signed the General Appropriations Act (GAA) 2025 last December 30.
“Doon sa guidelines na sinubmit namin, merong one: may publication. Ibig sabihin, ipa-publish natin, sino ba mga nakatanggap. Pangalawa, nilagay din natin doon na hindi puwede ang mga public official na pumunta sa payout mismo. Pangatlo, nilagay din natin do’n na hindi puwedeng may mga materyales nila sa loob,” the DSWD chief said. (YADP)
Tagalog Version
Sec Gatchalian kinilala ang pag-ganap ng DSWD social workers sa pagbibigay ng cash aid
Muling kinilala ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang katangi-tanging pagganap ng mga social workers upang matiyak na maiaabot sa mga tamang benepisyaryo ang cash assistance na ibinibigay ng ahensya.
“Ako meron ako isang character na paulit-ulit kong ginagamit—social worker. Kung makikita niyo ‘yung proseso namin, lahat—whether doon sa Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), Sustainable Livelihood Program (SLP), whether pagdating ng crisis yung emergency cash transfer, pagbigay ng relief goods, lahat yan kinakausap ng social worker,” sabi ni Secretary Gatchalian sa isang panayam sa TeleRadyo Serbisyo nitong Miyerkules (February 26).
Binigyang diin ng Kalihim ang masusing pag-assess ng mga social workers upang maibigay sa benepisyaryo ang tamang tulong na kanilang kailangan para sa iba’t ibang programa ng DSWD depende sa pangangailangan ng mga kliyente.
“So yung mga social worker natin mabusisi man, matrabaho man, gagawin at gagawin nila yung pag-interview. Makikita niyo yan, pag ini-interview yung lumalapit, may caseworker’s intake form. Parang doktor sila, uusisain ka sa buhay mo, halimbawa sabi mo meron kang sakit, tatanungin ka, may sakit, bukod doon meron ka bang kinikita, yung asawa mo ba anong ginagawa. Nabubuo nila yung istorya ng pangangailangan base sa kanilang interview process,” sabi pa ni Secretary Gatchalian.
Sa tanong hinggil sa safety nets sa pagbibigay ng Ayuda Sa Kapos ang Kita Program (AKAP) upang hindi ito magamit sa pampulitikal, tugon ni Secretary Gatchalian na ang DSWD lamang ang tanging tagapagpatupad ng AKAP.
“Pero, hindi porke ni-refer sa amin, o-oo kami kaagad. Susuriin muna ‘yan ng ating social worker kung una, qualified ba base sa guidelines? Pangalawa, social worker ang nagdidikta base rin sa guidelines kung magkano ang ibibigay,” paliwanag pa ng DSWD chief.
Ayon pa sa Kalihim, ang DSWD, National Economic Development Authority (NEDA), at Department of Labor and Employment (DOLE) ay lumikha ng mga patakaran o alituntunin sa pagpapatupad ng AKAP guidelines.
“Doon sa guidelines na sinubmit namin, merong one: may publication. Ibig sabihin, ipa-publish natin, sino ba mga nakatanggap. Pangalawa, nilagay din natin doon na hindi puwede ang mga public official na pumunta sa payout mismo. Pangatlo, nilagay din natin do’n na hindi puwedeng may mga materyales nila sa loob,” sabi pa ng DSWD chief. #