Welcome to DSWD   Click to listen highlighted text! Welcome to DSWD

Menu

Menu

Trabaho sa Bagong Pilipinas para sa 4Ps set to roll out in other provinces
February 26, 2025
DSWD chief cites social workers’ vital role in agency’s cash aid distribution
February 26, 2025

DSWD chief assures online application for travel clearance for minors equipped with safeguards

February 26, 2025

Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian has assured the public that the new online portal, which streamlines the application for travel clearance of minors travelling abroad, is equipped with enhanced measures to safeguard children from potential risks of trafficking.

Secretary Gatchalian said in an interview over TeleRadyo Serbisyo on Wednesday (February 26) that the objective of the online portal for ‘Minors Travelling Abroad’ or MTA is to make things easier for parents and their children who can do the application in the comforts of their homes or offices.

The DSWD chief also explained to TeleRadyo Serbisyo the digitized MTA will address the flaws of the previous manual process.

“Dati-rati, pino-protektahan natin yung menor de edad pero hindi namin nakikita yung menor de edad. Pwede i-assign lang na magbigay ka ng Special Power of Attorney (SPA). The reason kaya hindi nakikita yung bata dahil nasa school siya,” Secretary Gatchalian said.

A travel clearance is a requirement by the DSWD for minors or individuals below 18 years old who are travelling outside the Philippines and are not accompanied by any of the parents or persons having parental responsibility or legal custody over the child.

The new digital process for MTA application also serves as the government’s measure to protect children and prevent child trafficking.

As for the new system of obtaining the MTA document, the online application would require a virtual meeting, where the parents, their child or children, and the accompanying adult (if applicable) would be interviewed by the agency’s social workers.

According to Secretary Gatchalian, this is a major upgrade from the old process, where the
social worker could barely interact with concerned persons.

“Yung sa bagong system natin, online na. May interview process online. Pwede kang pumili ng schedule doon na gabi mo gagawin, para yung bata nandon kasi maganda pa rin pag interview na katabi mo yung bata at naka-login rin dapat yung… kung yung teacher na sasama sa trip o yung adult na sasama sa trip,” Secretary Gatchalian said.

The portal would also only accept QR-coded or notarized documentary requirements to ensure the legitimacy of documents, according to the DSWD chief.

Secretary Gatchalian also told TeleRadyo Serbisyo that the DSWD recently signed a data sharing agreement with the Bureau of Immigration (BI) which is aimed at ramping up inter-agency coordination and safety nets.

“Pumirma kami sa Bureau of Immigration ng data sharing agreement, so sa madaling panahon i-lilink na nila system nila sa system namin. So anong ibig sabihin pag nasa airport ka, let’s say nakalusot ka parin sa amin, sa social worker namin, at nakapa naman nung Bureau of Immigration officer doon sa counter na parang may mali, they can log in to our system ang look at it again,” Secretary Gatchalian pointed out.

With these new digital mechanisms in place, Secretary Gatchalian said the public is assured of a better experience that strengthens the government’s campaign against human-trafficking.

“Sa utos ng ating Pangulo, una labanan ang human trafficking, pangalawa i-automate para maging mas madali sa taong bayan. Yang dalawa na-check na namin ang box na yan with MTA,” Secretary Gatchalian said. (LSJ)

Tagalog Version

Online application ng minors travelling abroad, isang paraan laban sa child trafficking -DSWD chief

Tiniyak ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na ang bagong online portal sa pagkuha ng travel clearance para sa minors travelling abroad ay magbibigay proteksyon sa mga batang at risk sa human trafficking.

Sa panayam sa TeleRadyo Serbisyo nitong Miyerkules (February 26) sinabi ni Secretary Gatchalian na ang layunin ng online portal para sa ‘Minors Travelling Abroad’ o MTA ay upang mapabilis ang pagkuha ng permit at mapagaan ang pagdadaanang proseso ng mga magulang at bata na naga-apply ng permit.

Ang online portal para sa MTA application ay magsisilbi ding proteksyon sa mga bata upang makaiwas sa child trafficking.

“Dati-rati, pino-protektahan natin yung menor de edad pero hindi namin nakikita yung menor de edad. Pwede i-assign lang na magbigay ka ng Special Power of Attorney (SPA). The reason kaya hindi nakikita yung bata dahil nasa school siya,” Secretary Gatchalian said.

Ang travel clearance ay isa mga requirement ng ahensya para sa mga menor de edad na indibidwal na lalabas ng bansa at hindi kasama ang magulang.

Sa bagong sistema ng pagkuha ng MTA, bukod sa ito ay online na ay ire-require din dito ng mga social workers ang virtual meeting, kung saan ang magulang o ang anak at kasama nito na aalis ng bansa ay iinterbyuhin.

“Yung sa bagong system natin, online na. May interview process online. Pwede kang pumili ng schedule doon na gabi mo gagawin, para yung bata nandon kasi maganda pa rin pag interview na katabi mo yung bata at naka-login rin dapat yung… kung yung teacher na sasama sa trip o yung adult na sasama sa trip,” paliwanag pa ni Secretary Gatchalian.

Ang nasabing online portal ay tatanggap din ng QR-coded o notarized documentary requirements upang matiyak ang legitimacy ng isusumiteng dokumento.

Ayon pa kay Secretary Gatchalian, kamakailan ay lumagda ang ahensya sa isang data sharing agreement sa Bureau of Immigration (BI) upang magkaroon ng koordinasyon para sa safety nets.

“Pumirma kami sa Bureau of Immigration ng data sharing agreement, so sa madaling panahon i-lilink na nila system nila sa system namin. So anong ibig sabihin pag nasa airport ka, let’s say nakalusot ka parin sa amin, sa social worker namin, at nakapa naman nung Bureau of Immigration officer doon sa counter na parang may mali, they can log in to our system ang look at it again,” sabi pa ni Secretary Gatchalian.

Dagdag pa niya, “Sa utos ng ating Pangulo, una labanan ang human trafficking, pangalawa i-automate para maging mas madali sa taong bayan. Yang dalawa na-check na namin ang box na yan with MTA.” #

Related News:

Skip to content
Click to listen highlighted text!