Following the resumption of the validation phase for the third-round of assessment of Listahanan or the National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), the Department of Social Welfare and Development (DSWD) announced that 14,301,494 or 88.7% of the 16.1 million households have already been assessed.

Listahanan is an information management system that aims to establish a database of poor households that will serve as a basis of the Department in the identification of beneficiaries for its different social protection programs and services.

Meanwhile, Listahanan was also recognized by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) as a critical government service.

During the regular press briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque last August, he stated that based on the IATF-EID Resolution No. 65, Series of 2020, Listahanan “surveyors, enumerators, and/or supervisors of the DSWD Regional Offices will be considered as authorized persons outside of residence (APOR) and are allowed to travel inter-zonal and intrazonal in such mode and/or manner as may be available especially in geographically isolated and disadvantaged areas.”

The IATF-EID resolution provides policy support for Listahanan 3 to continue its activities during the pandemic, while ensuring the safety and health standards of its personnel.

In June, the data collection, encoding, and validation activities for Listahanan 3 officially resumed after it was temporarily halted to adhere to the government’s health and safety protocols to mitigate the impacts of the Coronavirus Disease (COVID-19).

The Department will release the initial list of poor households which will be posted in the communities for the validation and finalization phase of the program. The list will be posted in visible places in barangays to provide opportunity for the public to review and confirm their household information. Grievances may also be filed through the community desk or online through the Listahanan website on scheduled dates identified by respective DSWD Field Offices (FOs).

DSWD also reiterated that inclusion to Listahanan will not guarantee any provision of cash aid or automatic inclusion to any program of the government. However, the data gathered will be used as reference for beneficiary selection and prioritization for poverty alleviation programs and other interventions by national government agencies (NGAs), local government units (LGUs), and other institutions. ###

 

[FILIPINO VERSION]

 

Higit 14.3M na sambahayan nasuri na ng DSWD para sa Listahan 3

Sa pagpapatuloy ng ikatlong yugto ng assessment ng Listahanan o National Household Targeting System for Poverty Reduction (NHTS-PR), inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na higit 14.3 milyon na sambahayan o nasa higit 88 porsiyento mula sa 16.1 milyong kabahayan ang nasuri na.

Ang Listahanan ay isang sistema ng pamamahala ng impormasyon na naglalayong magtatag ng isang database ng mga mahihirap na sambahayan na magsisilbing batayan ng DSWD sa pagkilala sa mga benepisyaryo para sa iba`t ibang mga programa at serbisyo nito.

Samantala, ang Listahanan ay kinilala din ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) bilang isang kritikal na serbisyo ng gobyerno.

Sa regular na press briefing ni Presidential Spokesperson Harry Roque noong Agosto, sinabi niya na batay sa IATF-EID Resolution No. 65, Series of 2020, na ang Listahanan “surveyors, enumerators, and/or supervisors of the DSWD Regional Offices will be considered as authorized persons outside of residence (APOR) and are allowed to travel inter-zonal and intrazonal in such mode and/or manner as may be available especially in geographically isolated and disadvantaged areas.”

Ang resolusyon ng IATF-EID ay nagbibigay ng suporta para sa Listahanan 3 upang ipagpatuloy ang mga aktibidad nito sa panahon ng pandemya, habang sinisigurado ang mga pamantayan sa kaligtasan at kalusugan ng mga tauhan nito.

Kung matatandaan, nito lamang Hunyo ay opisyal na ipinagpatuloy ang proseso ng pagkolekta ng data, pag-encode, at balidasyon para sa Listahanan 3 matapos itong pansamantalang ihinto upang sumunod sa mga ipinalabas na mga pamantayan sa kalusugan at kaligtasan upang mabawasan ang epekto ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Ilalabas ng DSWD ang listahan ng mga mahihirap na sambahayan upang masuri ito ng publiko at makumpirma nila kung tama ang impormasyon na nakalagay rito. Maaari ring mag-file ng mga hinaing sa pamamagitan ng community desk o sa Listahanan website sa mga naka-iskedyul na na petsa na ibibigay ng mga DSWD Field Offices (FOs).

Ipinaaalala rin ng DSWD sa publiko na walang garantiya na mapapasama sa anumang cash aid o sa anumang programa ng gobyerno kung nakasama sa tala ng Listahanan. Gayunpaman, ang datos na nakalap ay gagamitin bilang batayan para sa pagpili ng benepisyaryo at pag-prioritize para sa mga programa at iba pang interbensyon ng mga ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, at iba pang mga institusyon. ###